Navigate My Weblogs: Buhay Jologs | Kritiko | Mahaderang Biyahera

Ang pagiging jologs ay pagiging matapang. Ito ay pagiging matibay sa mga pangungutya ng mga tao. Who's to make it a law na pangit ang iyong porma? Eber herd op indibidual preperenses? Kailangan mo talagang maging daring para lang makamit ang saya sa sarili. Ang pagiging jologs ay pampataas ng self-esteem at confidence. Dinedare mo ang sarili mong umalis sa pangkaraniwang agos at magtatag ng sariling daan. Ito ang konsepto namin ng pagiging unique. -peyups

why move?

Darating din ang time na feeling ko may bagay sau na hindi nasasatisfy. Na feeling mo nagsasawa ka na sa environment. Mahal ko ang blogspot pero nagkataon lang na kelangan ko rin magtry sa iba d b?

why tsi.n3.las?


Of all blog names bket tsinelas? Ewan ko rin bigla na lang pumasok sa isip ko ang tsinelas. Siguro dahil buong buhay ko kasama ko ang aking tsinelas. Mula ng baby pa lang ako at hindi pa marunong maglakad may tisnelas na ako. Then nung lumaki ako at matutong maglakad tsinelas pa rin ang kasama ko. Feeling ko all of my childhood memories and up to now, tsinelas played a big part of me. Kung may isa mang bagay na maihahalintulad mo more than your best friends malamang tsinelas yun. At kung naging tao ang aking tsinelas tiyak siya lang ang tanging nakakaalam kung ano ang totoong pagkatao ko ^_^

about the blog

I love blogging. Isa yan sa mga passion ko although hinde ako ganun kaconfident sa pagsusulat sa english. Ayun nga lang lately parang nawala ung essence ng blogging sakin to the point na nagbblog na lang para lang may mabasa ang mga avid readers ko nakakasad kasi nung una akong gumawa ng blog hinde naman un ung reason ko. Simple lang ang gusto. Ang makagawa ng time capsule. Maisulat ang lahat ng mga bagay na magpapaalala sa aking pagkatao. Na lumipas man ang panahon at kung mismo ako ay makalimutan ko na kung sino man ako may isang blog na magpapakilala kung ano ako this moment of time. At yan ang reason kung baket may tsin3las ngaun, sa pagkakataong ito gusto ko mas mailabas lahat ng totoo sakin na hinde akong mangingimi maglabas ng opinyon, mas bukas ang isip, at higit sa lahat mas matured.

So if you find time, and you still want to read my recent post welcome kayo sa bago kong blog. Just don't forget to give me your links para blogmates parin tayo ^__^.

Eh ganun talaga may mga inarte sa buhay ^__^

So see you.

http://tsin3las.wordpress.com/